TAGALOG VERSION
Ang pista ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosary ng Manaoag, bilang isang okasyon, ay ginagabayan ng ilang posteng pamatnubay. Sa taong 2021 ang ika-500 anibersaryo ng unang misa maging ng unang binyagan sa ating mga isla. Ito rin ang pista ng ating Mahal na Birhen, kasabay ng ika-800 anibersaryo ng Dies Natalis (kaarawan), ang anibersaryo ng pagkamatay ni Santo Domingo. Ito ang ika-50 anibersaryo ng Dominican Province of the Philippines (DPP). Ang ika-30 anibersary ng 2nd Plenary Council of the Philippines. Ang taong 2021 ay ika-95 anibersaryo ng Canonical Coronation of the Image of Our Lady of the Rosary of Manaoag, na nangyari bago pa man maitatag ang Diyosesis ng Lingayen ni Pope Pious XI.
Ito ang mga posteng pamatnubay na tutulong sa ating pagninilay sa mga alay ng taong 2021 at ating pagdiriwang ng pista ng Mahal na Birhen ng Manaoag. Ang Ebanghelyo ang pangunahing gabay.
Ang Ebanghelyo ay mahalaga ngunit maaring may ibang opinion ang mga iskolar ng banal na kasulatan ukol sa halagang pangkasaysayan ng Ebanghelyo ng Paghahanap sa Templo. Tingnan natin ito bilang okasyon ng pagdarasal at ating pagnilayan alinsunod kay Mahal na Birhen ng Sto. Rosaryo ng Manaoag.
Mahalaga itong Ebanghelyo dahil dito kauna-unahang nabigkas ang mga salitang patungkol sa Panginoong Hesus. Ano ang mga unang salitang binigkas ni Hesus patungkol sa sangkatauhan at sa Dominican family? Tinanong ng Panginoon si Maria at Jose: “Bakit ninyo ako hinahanap? Bakit ninyo ako hinahanap? Bakit? Natakot ba kayo sa pagkawala ko? Sapat ba itong dahilan para hanapin ninyo ako? Bakit ninyo ako hinahanap? Nakita ninyo ang aking kapangyarihan. Naranasan na ninyo ang aking kapangyarihan kaya ba hihingi kayo ng pabor mula sa inyong anak? Bakit ninyo ako hinahanap?
Ang implikasyon, mga minamahal kong kapatid, ay isa lamang ang dahilan sa paghahanap sa Panginoon. Hindi takot. Hindi para humingi ng pabor. Isa lamang ang dahilan sa paghahanap sa Panginoon at iyon ay pagmamahal. Kaya sa okasyon ng ika-800 anibersaryo ni Santo Domingo, tayo ay inaanyayahan na sama-sama nating pagnilayan ang temang – Ang Mesa kasama si Santo Domingo.
Sa desk tayo ang nag-aaral. Sa mesa tayo ay kumakain. Ito ay hindi tulad ng pagkain sa isang fast food restaurant. Sa mesa – mayroong pakikipag-kapwa. Sa mesa – mayroong pagmamahal. Hindi mo gugustuhin na kumain na kasama ang iyong kaaway. Hindi mo gugustuhin na makasama sa pagkain ang taong hindi ka gusto o hindi mo gusto. Ang pagkain sa isang mesa at and sama-samang pagbibiyak ng tinapay ay may pagpapalagay ng pakikisama at ng pagmamahal. At sa ika-800 anibersaryo ng pagpasok ni Santo Domingo sa langit, ang tanong para sa atin ay – Bakit? Bakit ninyo ako hinahanap? At ang natatanging sagot, mga minamahal kong kapatid, ay sa kadahilanang sama-sama tayong kumain sa iisang mesa. Tayo ay umupo sa iisang mesa. Tayo ay kumain mula sa iisang mesa kung kaya’t mayroong pagmamahal na namamagitan sa atin. Ang mesa para sa pagkain ay hindi nagpaparaya sa pagmamataas. Ang mesa para sa pagkain ay hindi nagpaparaya sa mga makasariling motibo at ambisyon. Ito ang dahilan kung bakit kinailangan ni Hudas na umalis dahil hindi niya kayang makisalo sa pakikipagkapwa at pagmamahal. Bakit tayo nandito? Ito ay dahil tayo ay nagmamahal at pinipili nating magmahal. Sa parehong mesa na kasama si Santo Domingo, alam natin na hindi lamang kay Santo Domingo tayo nakikisalo. Alam natin na ang mesa ni Santo Domingo ay siya ring mesa ng ating Panginoon. Kung kaya’t maaari tayong magkaisa dahil ang mesa ni Santo Domingo na nagbubuklod sa atin ay hindi orihinal dahil ito ang mesa ng Panginoong Hesus.
Bakit ninyo ako hinahanap? Dahil tayo ay umibig. At ang pinakamahusay na paraan upang ipamalas ang ating pag-ibig ay sa pamamagitan ng paglilingkod. Sa mesa ni Santo Domingo, habang tayong lahat ay inaanyayahan na pagnilayan ang kanyang ika-800 anibersaryo, hindi lamang tayo pinapa-upo. Inaanyayahan din tayo na lumuhod upang hugasan ang paa ng bawat isa na kasalo natin sa mesa. Gayundin sa ginawa ng Panginoon, hindi sapat na kumain lamang. Mahalaga din na hugasan natin ang paa ng bawat isa. Dahil ang paghuhugas, ang paglilingkod ay siyang tanda ng pagmamahal. Kapag tayo ay abala sa paglilingkod sa ating kapwa, abala sa paghuhugas ng paa ng bawat isa, siguradong wala nang panahon sa mga tsismis o kabulaanan. Kung tayo ay abala sa paghuhugas ng paa ng bawat isa, wala na tayong panahon upang busugin ang ating tiyan maging ating bulsa. Wala nang panahon sa katakawan. Wala nang panahon sa kasakiman. Wala nang panahon upang ipagkait ang kapatawaran dahil sa mesa ni Santo Domingo, hindi lamang tayo nagkakaisa sa pakikipag-kapwa pati rin sa paghuhugas ng paa ng ating kapwa. Bakit ka nandito? Isa lamang ang dahilan. Pagmamahal. Pakikipagkapwa sa mesa kasama si Santo Domingo.
Nagpatuloy ang Panginoon sa ikalawang tanong – Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi niyo ba alam na dapat akong manatili sa bahay ng aking Ama?
Bahay ng Ama. Nasaan ang Bahay ng Ama? Ang bahay ng Ama ay hindi isang gusali. Ang bahay ng Ama ay kung saan ang Kanyang Kalooban ay naroon din. Sapagkat kung tayo man ay nasa loob ng simbahan ngunit tayo ay hindi sumusunod, matigas ang ulo, hindi kumikilala sa awtoridad, hindi marunong tumugon ng “oo” kahit hindi naiintindihan, hindi ito maituturing ng bahay ng Ama. Ito ang dahilan ng Dominican family sa pagbibigay halaga sa pagsunod (obedience). Dahil kung sumusunod ka sa mga Utos ng Diyos, paano kang sasamba sa mga diyus-diyosan. Kung sumusunod ka sa mga Utos ng Diyos, paano ka mawawalang ng respeto? Kung sumusunod ka sa mga Utos ng Diyos, paano ka papatay? Paano ka magnanakaw? Kung masunurin ka, paano ka makikiapid at maging marumi ang pag-iisip? Kung masunurin ka, paano ka magsisinungaling? Kung masunurin ka, paano ka magiging mapag-imbot?
Obedience (Pagsunod) ang pinanggagalingan ng lahat ng ito. Tama si Santo Domingo. Sumunod tayo. Maging masunurin at susunod ang lahat. Dahil hindi tayo maaring umibig kung hindi tayo marunong sumunod.
Saan ninyo ako hinahanap? Ang bahay ng Ama ay kung saan Siya ay nasusunod. At kung saan mayroong pagsunod, naroon din ang Diyos. Ang Diyos ay naroon hindi lamang kung saan mayroong pag-ibig. Ang Diyos ay naroon din kung saan ang Kanyang kalooban ay sinusunod.
Ang pangatlong tanong ay naiwang hindi na nabigkas. Hindi ito naintindihan nila Maria at Jose. Pinahalagahan ito ni Maria. Ang nais sanang itanong nila Maria at Jose ay – Paano? Paano Ka naming mahahanap? At ang sagot ng Panginoon ay – Ito ay isang misteryo. Ito ay sa pamamagitan ng misteryo at hindi sa pagkakatulad. Ito ay sa pamamagitan ng misteryo at hindi sa siyentipikong pagsasaliksik. Ito ay sa pamamagitan lamang ng misteryo. Sa paniniwala natin sa misteryo ay mahahanap natin ang Panginoon. Kung kaya’t sa mga huling araw ni Santo Domingo, kanyang sinabi: Huwag kayong magalala. Huwag kayong matakot sapagkat sa pupuntahan ko, mas marami akong magagawa kaysa sa nagawa ko dito sa mundo. Mga salitang misteryoso at may halong propesiya ngunit totoo. Dahil matapos ang 800 taon mula ng malagutan ng hininga si Santo Domingo, patuloy ang kanyang mabuting gawain, lubos pa sa kanyang nagawa habang nabubuhay sa mundo. Misteryo. Isang misteryo na matapos ang 2,000 taon mula ng pagakyat ng Panginoon sa langit, patuloy pa rin tayong ginagabayan ng Espirito Santo. Isang misteryo na matapos ang 800 taon mula ng kamatayan ni Santo Domingo, patuloy ang kanyang pagpapatotoo na mas lubos ang kanyang gawain sa langit kaysa nagawa niya dito sa mundo. Patuloy ang kanyang pagpapatotoo hanggang sa dulo ng panahon.
Ang tanong, mga minamahal kong kapatid, na maaring itanong sa atin ng Mahal na Birhen ay tulad ng tanong ni Hesus sa paghahanap sa templo.
Bakit ninyo ako hinahanap? Bakit kayo nandito? Saan ninyo ako hinahanap? Sa pilgrimage church? Sa santuwaryo? Hanapin ninyo ako sa loob ng masunuring puso at gawin ninyong masunuring puso ang inyong puso.
Paano ninyo ako mahahanap? Mahahanap niyo lamang ako sa pamamagitan ng maigting na pagyakap sa misteryo, upang maintindihan na walang makakapagwalay sa atin sa Diyos. Mas marami akong magagawa sa langit kaysa a nagawa ko dito sa mundo. Ako ay mananatili sa iyong tabi hanggang sa huli at ang mga huling salita na ating Mahal na Ina sa ating lahat ay – Gawin ninyo ang Kanyang sinabi.
Bakit ka nandito? Dahil mahal kita. Saan mo ako hinahanap? Dito sa aking masunuring puso. Paano moa ko mahahanap? Sa pamamagitan ng pagyakap at pananalig sa misteryo ng Iyong presensya.
Santo Domingo, tulungan mo kaming maging masunurin. Mahal na Birhen ng Manaoag, tulungan mo kaming magmahal. Tulungan mo kaming magtiwala. Tulungan mo kaming manataling malinis ang aming puso upang mahanap namin si Hesus na iyong Anak.
ENGLISH VERSION
The summer fiesta of our Lady of the Rosary of Manaoag, if it is an event, is guided by several guide posts. This is the fiesta of 2021, 500th anniversary of the first mass and the first baptism in our islands. This is the fiesta of our Lady, on the occasion of the 800th anniversary of the Dies Natalis (or birth into eternal life of Saint Dominic), of the death anniversary of St. Dominic. This is the 50th anniversary of the Dominican Province of the Philippines (DPP). The 30th anniversary of the 2nd Plenary Council of the Philippines. And 2021 is the 95th anniversary of the Canonical Coronation of the Image of Our Lady of the Rosary of Manaoag, even before the Diocese of Lingayen was established by Pope Pious XI.
These are guideposts to help us reflect on what is it that 2021 offers us, celebrating the Feast of our Lady of Manaoag. And the Gospel is the main guiding posting.
The Gospel is important although some scripture scholars might have other opinions about the historical value of the Gospel of The Finding in the Temple. Let us just look at it as a prayer occasion and meditate on it in the light of Our Lady of the Rosary of Manaoag.
This Gospel is important because this is the first time words are attributed to the Lord Jesus. And what were the first words of Jesus as it were to humanity and to the Dominican family? The Lord asked Mary and Joseph: “Why were you looking for me?” Why were you looking for me? Why? Are you afraid you lost me? Is that enough reason to look for me? Why are you looking for me? You see my power. You have experienced my power and you want to receive favors from your son. Why are you looking for me?
The implications, my dear brothers and sisters, is there is only one reason for looking for the Lord. And it is not fear. It is not favor. There is only one reason for looking for the Lord and it is love. That is why on the 800th anniversary of St. Dominic, we are invited to reflect together the theme – A Table with St. Dominic.
At the desk we study. A table we eat. And we do not only eat like a fast-food arrangement. A table – there is fellowship. A table – there is love. You don’t like to eat your meal with an enemy. You don’t like to eat your meal with somebody who does not like you or whom you don’t like. Eating at a table and breaking bread together presumes fellowship, presumes love. And on the 800th anniversary of St. Dominics entry to heaven, the question is asked of us – Why? Why are you looking for me? And the only reason, my dear brothers and sisters, is because we have partaken of the same table. We have sat on the same table. We have eaten from the same table and therefore, there is love amongst us. The table for the meal cannot tolerate arrogance. The table for the meal cannot tolerate self-serving motives and ambitions. That’s why Judas had to leave because he could not share in the fellowship of love. Why are we here? It is only because we love and we choose to love. And at the same table with St. Dominic, we know that it is not only the table of Dominic that we partake of. We know that the table of St. Dominic is also the table of the Lord. That is why we can be united because the table of St. Dominic which gathers us together is actually not original because it is the table of the Lord Jesus.
Why are you looking for me? Because we have fallen in love. And the best way to show our love is to serve. And at the table of St. Dominic, as we are invited to reflect on his 800th anniversary, we are not only invited to sit. We are also invited to kneel down at the table and wash one another’s feet, among those who are seated at the table. As the Lord did at the upper room, it is not enough to eat. It is very important that we also wash one another’s feet. Because washing, serving is the proof of loving. And when we are so busy serving one another, when we are so busy washing one another’s feet, then we will not have time for gossip anymore. If you are so busy washing one another’s feet, we will not have time to bloat our stomachs or to fill up our pockets even more. We will not have time for gluttony. We will not have time for avarice. We will not have time for unforgiveness because at the table with St. Dominic, we are not only one in fellowship, we are also one in washing one another’s feet. Why are you here? For only one reason. Love. Fellowship at the table with Dominic.
And then the Lord proceeded with the second question, why were you looking for me? Did you not know I must be at my Father’s house?
Father’s house. Where is the Father’s house? The Father’s house is not a building. The father’s house is where His will is done. Because we may be inside the church building, but if we are disobedient, if we are hard-headed, if we cannot recognize authority, if we do not know how to say yes even if we cannot understand, then it cannot be the house of the Lord. That is why the Domican family puts a lot of primacy, puts a lot of value on obedience. Because if you obey the commandments of God, how can you be idolatrous? If you obey the commandments, how can you disrespect? If you obey the commandments, how can you kill? If you’re obedient, how can you steal? If you’re obedient, how can you be adulterous and impure? If you are obedient, how can you lie? If you are obedient, how can you covet?
Obedience is the source of all of these. And Dominic was right. Obey. Just obey and the rest will follow. Because we will not even be able to love if we do not know how to obey.
Where were you looking for me? The Father’s house is where the Father is obeyed. And where there is obedience, God is there. God is not only where love is. God is also where His will is obeyed.
And the third question was left unexpressed. Mary and Joseph did not understand. Mary treasured this in her heart. The question that Mary and Joseph wanted to ask is – How? How can we find you and the answer of the Lord is – It is mystery. It is only by mystery, not by analogy. It is only by mystery, not by argument. It is only by mystery, not by scientific research. It is only by mystery. It is only faith in mystery that we can find the Lord. That is why at his deathbed, when Dominic said to the brethren: Do not be anxious. Do not be afraid because where I am going, I will be able to do more for you than what I have done here on earth. Mysterious, prophetic words but they are true. Because after 800 years from the time of his last breath, he continues to do wonders, more than what he had done during his lifetime here on earth. Mystery. It is a mystery that after 2,000 years from the Lord’s ascension, the Holy Spirit continues to guide us. It is a mystery that 800 years after his death, when he assured us that he will be able to do more in heaven than what he has done here on earth. It continues to ring true and it be true until the end of the ages.
The question, my dear brothers and sisters, that our Lady perhaps asks you is that same question that Jesus asked at the finding in the temple.
Why are you looking for me? Why are you here? Where are you looking for me? In the pilgrimage church? In a sanctuary? Look for me in an obedient heart and let that obedient heart be your heart.
How will you find me? You can only find me through embracing a deep sense of mystery to understand that nothing can separate us from God. I will be able to do in heaven more than what I have done here on earth. I will be with you until the end of the ages and the last words of the mother to all of us was – Do whatever he tells you.
Why are you here? Because I love you. Where are you looking for me? In my obedient heart. How will you find me? By embracing and believing in the mystery of Your presence.
St. Dominic, help us to obey. Our Lady of Manaoag, help us to love. Help us to trust. Help us to keep our hearts pure so we may always find Jesus, your Son.